Wednesday, November 29, 2006

"pare.. pare.. sandali lang.."



"bakit tol?" ang sagot ko sa boses na nanggagaling sa aking likuran. dalawang lalaki, isang nakaputi at isang naka pula. mas matangkad pa ako ngunit di hamak na mas matipuno ang pangangatawan kesa sa akin. kung bading lang ako, malamang hinaplos ko na ang kanilang dibdib sa panggigigil. "pare ikaw yung sumuntok sa kapatid ko nung isang linggo ah!".. tsk! napapalatak ako sa aking isipan, malakas.. umalingawngaw sa apat na sulok ng aking utak. alam kong napagtitripan ako, laking iskwater ako kaya alam ko. "pare, hindi ako yon!" ang matigas kong sagot.

hindi ako nagpasindak, sanay na ako sa ganong sinaryo, laking iskwater ako.

"tangina mo pare! ikaw yun!" malakas ang pagkasabi ng nakapulang malaki ang katawan habang mabilis na papalapit sa akin. hindi ako nagpasindak, sanay na ako sa ganong sinaryo, laking iskwater ako. "pare, walang trobol, wala kong atraso sa inyo.. wala namang ganyanan". hindi pa rin ako nasisindak, laking iskwater ako sanay ako sa ganong sinaryo. alam ko na'ng gusto ng dalawang mamang may malaking katawan, hindi jollibee yumburger at lalong hindi mcdonalds meal #6. "tangina mo!" sabi ng nakaputing may malaking katawan sabay wasiwas ng kamao sa aking muka. halos masubsob ako sa kalsada sa lakas ng impak. alam kong may tumama sa akin, malakas, pakiramdam ko parang clay na binato sa pader ang mukha ko, pero parang walang sakit.

hindi ako nagpasindak, sanay na ako sa ganong sinaryo, laking iskwater ako.

hindi na ako tumingin sa kalaban, umiikot pa ang aking mundo pero pagbalik ng ulo ko sinabay ko na ang wasiwas ng kamay kong nakasarado. SAPUL! masakit sa kamay kaya alam kong may tinamaan ako. nakita ko ang mamang naka pula. bulagta! tuloy tuloy ang aking kilos, walang lugar para sa pagkakamali. "putang ina mo ah!!!" nakita ko ang mamang nakaputi, may dinudukot sa kanyang likuran na nakaipit sa garter ng kanyang shorts. kumislap. sa ganong sitwasyon, imposibleng maisip ko pa na imbotido lang ang ilalabas ng mamang nakaputi, at mas lalong imposible na imbotido nga ang ilalabas ng mamang nakaputi. icepick! "tangina pare, sige tirahin mo na yan! tirahin mo nayan pare!!" ang sabi ng nakapula. laking iskwater ako, pero marunong din ako matakot. winasiwas sa aking tiyan ng nakaputi ang ice pick. swerte, hindi pa ako tinamaan. nakatayo na ang mamang nakapula na bumulagta kanina. dumudukot din, hindi imbotido pero makislap din. hiindi ko na inalam kung anuman ang kinuha nya sa likod nya.


wala ng lingon lingon, takbo hanggang may lupa! hindi takbong mayaman. hindi rin takbong mahirap. mahihiya si elma muros sa takbong ginawa ko. "tangina mo!! bubutasin ko katawan mo!" wala na akong pakielam kung sino man ang sumigaw nito basta ang alam ko tumatakbo ako ng mahigit 70 miles per hour. hinabol ako ng dalawang mamang may malaking katawan "Diyos ko, ito na bang katapusan ko.." naisip ko habang tumatakbo. maraming naglaro sa utak ko, pati ata si Pong Pagong bigla ko naisip.



pagtingin ko sa likod, halos isang dipa lang ang layo ng nakaputi sa akin. "tangina, lalaban na ko!" sa isip isip ko.



"BOLPEN!! tama sasaksakin ko sya ng bolpen pag naabutan nya ko!"



pagkapa ko sa bag.-- anak ng!!-- WALANG BOLPEN!!! hiniram ni Nat kanina hindi nasoli.. wala akong bolpen, wala akong lapis, hindi nakakasaksak ang notebuk. hindi pwedeng ipansaksak ang notbuk! "Lord, mamamatay na ba ako?" parang akong lumilipad hang naiisip ko ito at seryosong ito talaga ang naisip ko. pero hindi bumabagal ang takbo ko at ng makita kong isang dangkal na lang at aabutan na ako ng makislap na bagay na hawak ng lalaking nakaputing may malaking katawan..--- isang malakas na..--





AAAAHHHHHHHHHH!!!!



---ang aking pinakawalan! rinig sa buong araneta center ang sigaw na yon! hindi ko alam kung bumilis ang aking takbo dahil sa sigaw o natakot sila dahil sa sigaw. pagtingin ko sa likod ang layo na ng aming pagitan. ligtas na ako.



tumigil sila sa pagtakbo. tumigil din ako. nakatingin sila sa akin. tumingin din ako sa kanila. humawak sila sa kanilang tuhod, humawak din ako sa aking tuhod, sa pagod. malayo pa rin ang aming distansya. hindi na ako nagtagal, baka habulin nila ulit ako. ayoko na. ayawan na. la ng habulan. naglakad ako palayo. uwi na ko. tumingin uli ako sa kanila, hindi na humahabol.

nginitian ko sila.

laking iskwater ako, sanay ako sa ganong sinaryo, hindi nila ko masisindak. at lalong hindi nila ko mahahabol, mabilis akong tumakbo. at sa aming paghihiwalay, isang matamis na "PAKYU" sa kanila ang aking iniwan.


laking iskwater ako, sanay ako sa ganong sinaryo, hindi nila ko masisindak.


sumakay ako sa dyip na pawis na pawis at kulay suka.. laking iskwater ako, sanay ako sa ganong sinaryo, hindi nila ko masisindak.


kinabukasan, "bat nanmamaga yang pisngi mo??!!" tanong ng nanay ko.. "masakit ipin ko.." sabi ko..
"magpabunot ka na kasi! uminom kana ng antibiotik!"


buti na lang, mabilis ako tumakbo.

 


4 Comments:

Post a Comment

<< Home

Thursday, November 09, 2006

sabi ko..




Donald Trump says--
"life's unfair.. life is unfaiiirrr!!"


i say..--
"nothing's perfect.."





 

4 Comments:

  • life is unfair!

    musta pare!

    By Anonymous Anonymous, at November 11, 2006 at 9:06 AM  

  • @paolo

    oo nga pre.. ikaw ba naman mawalan ni internet connection e!! unfair talaga!! hahahaha!!! :)

    ayos lang tol! tagal mo nawala e.. kamusta disierto?

    @rho

    balita ko malungkot ka daw? lumapit ka nga dine mabatukan kita sa lalamunan! :)

    cheer up! :) sa tagalog.. itaas mong upuan! CHEER UP! :)

    By Blogger pilimon, at November 15, 2006 at 2:32 AM  

  • punyemas na donald trump iyan. wag nga siyang reklamo nang reklamo baka sapakin ko siya. pa-unfair unfair siya, ke yaman yaman niya. umayos nga siya.

    buti pa, pamanahan na lang niya ako.

    By Blogger atticus, at November 16, 2006 at 1:37 AM  

  • ui pilimon, ito na ang alak mo! hehe.. matagal ka atang di nakadaan sa beerhawz koh :p

    By Anonymous Anonymous, at November 19, 2006 at 8:13 PM  

Post a Comment

<< Home