Friday, September 30, 2005

biskits..


..the long wait will be worth it... Posted by Picasa



"the long wait will be worth it..." ??? ni hindi ko nga alam bat naisip ko yan.. sa totoo lang wala naman talaga ko masulat ngayon, kelangan ko lang talaga gawan ng sulat tong picture na to.. sayang naman kung ganyan lang dba??

pero come to think of it.. i really like the sound of it "..the long wait will be worth it.." siguro dahil marami pa kong inaasahan. hindi naman sa naghihintay ka o talagang umaasa ka na may mangyari but just do your part and let destiny do its share.. teka tama ba un?? destiny??! oo na!! korni na kung korni, but i do believe in it, and i have strong faith in it. wag mo lang papabayaan kontrolin ka ng paniniwala mo, like what ive said you still have to make actions..

minsan kasi kelangan talaga natin mag antay.. it also teaches us patience, wala naman ura-uradang nakakarating kung san man nila gusto pumunta o makuha un gusto nila makuha.. ano?? magik!! (ngayon tuloy parang nawalan na ng connection un pic sa taas, pero konektado pa rin yan, sikret nga lang..) then it teaches you to appreciate and treasure. one time i overheard this two men talking; "tol congrats!! pare tagal non ah!!".. tapos sumagot un isa; "pare, it was worth it.."



(yes it is!) :P

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Wednesday, September 28, 2005

quite inspiring..

...

hhmmmm.. nakakatuwa talaga sila!!


minsan talaga hindi mo maiwasan ang maiinggit.. man, you have to see these blogsites to understand me. kanina i was just surfing the net.. punta-punta lang sa mga blogsite ng aking mga kakilala. and man, thanks to mikinoodles, i had the chance to meet these astigados kahit sa blogsites lang. metal_ears, ironwulf, frozentech, bikoy.net, idlemind at marami pa.. mga astig na blogsites!! nakakainggit. minsan napapasigaw na lang ako kahit ako lang mag isa d2 sa opisina sabay tawa.. "ASTIG!! galing na blogsite!!" literally pag nagkiklik ako ng site, i am holding my breath pare. was i impressed by these people.. nakakainspire e. napasabi na lang ako "soon magiging ganon din kalupit tong blogsite ko.." para one day pag may tumingin at bumisita, they'll go "SHIT!! astig na blogsite!!" tapos inspire other people to do the same.. un parang nagyari sa kin. nagpa-UTO sa mga mang-UUTO! hehe


kaya naman asan ako ngayon?? eto nagkokomento habang nagsasariling sikap sa basic html, at basic css (puro basic.. ayayayy!!) e samantalang dati pascal lang ni ayaw ko tingnan!! (eh ano nga ba naman pakielam ko kay manong blaise at kay pareng DOS??) siguro dahilan na rin kung bakit natadyakan ako sa program ng trendmicro (bukod sa napaginitan ako ng siraulong program manager na ang tingin sa akin ay isang kutong walang utak) the last time i remember.. i have no ideas about internet, computers, at kung anu ano pa na related dito. in short BOBO ko pagdating sa ganong usapan. proud pa nga ko sabihin non na ang alam ko lang na gamit ng langyang kompyuter na yan e pangtype ng report sa eskwela (project un!!)..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Friday, September 16, 2005

"wala ko maisip na title.."







...

nakabuntung hiningang malalim
matang sa malayo nakatingin..
san na ba napadpad..
anghel na kay taas ng lipad..

gusto ko sanang kunin..
sa mga braso ko'y akapin..
kung pwede lang angkinin..
hulihin sa isang tingin..

sa malayong matang napako..
pangako pilit hindi isusuko..
isisigaw mga salitang aalingawngaw..
sa dilim ng gabi, sa lamig ng araw..

sige na sumakay kana..
pwede ba sumama ka??
pagbigyan kahit sandali, saglit na pagmumuni..
habang kita pa ang ngiti sa aking mga labi..

gusto ko sanang kunin..
at sa braso ko aakapin..
kung pwede lang angkinin..
hulihin sa isang tingin..

pero saka naman magigising..
sa pagtulog na mahimbing..

...





1 Comments:

Post a Comment

<< Home