Sunday, April 30, 2006

the keys to my heart..


..walang nangyayari sa buhay ko ngayon.. kaya naman napadaan ako sa isang kakilala at sinabi nya sa kin.. "pre, try mo kaya to ayos toh.." at dahil iniidolo ko siya, imbes na gumawa ng makabuluhang bagay sa buhay sinunod ko na lang sya..

sinagutan ko ang "what are the keys to your heart..?"
test ---


WAW!!
makabuluhan nga..




The Keys to Your Heart

You are attracted to those who are unbridled, untrammeled, and free.

In love, you feel the most alive when things are straight-forward, and you're told that you're loved.

You'd like to your lover to think you are loyal and faithful... that you'll never change.

You would be forced to break up with someone who was ruthless, cold-blooded, and sarcastic.

Your ideal relationship is lasting. You want a relationship that looks to the future... one you can grow with.

Your risk of cheating is zero. You care about society and morality. You would never break a commitment.

You think of marriage as something that will confine you. You are afraid of marriage.

In this moment, you think of love as commitment. Love only works when both people are totally devoted.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home

Monday, April 24, 2006

nilalambot tuloy ako..


muntik ko na atang makalimutan tong blog na to ah.. hehe.. ive spent more time on my friendster blog lately.. hmmmm.. bakit kaya?? well anyway, i copied the last article that i posted in mga kwentong kutchero lang and pasted it here just to post somthing new.. hehe..


here it is-----

"bagsak na mga mata ko..!

ahhhhhh!! di ko na kaya babagsak na ko.. nyeeeeeeeeeeiiinng...---- BLAG!!
pakshet! talo kami.. okey lang malakas naman kami..--- mang-asar!

bugbog sarado kami kanina.. makakabawi pa ba kami..??

~

binisita namin kanina ang isang matalik na kaibigan sa Malolos.. tsk.. tsk!
hindi pa rin nagbabago.. babaero pa rin.. haha.. biro lang pre.. sige relak ka lang dyan.. nga pala, sarap ng spageti! pati un macaroni salad.. pati un lumpia... pati un liempo..


pati un UBE LANGKA!! tama.. lalo na yun! pero baka dahil siguro gutom lang ako nuon.. (pwede!) pero masarap talaga..

itlog.. sardinas.. waw! ang sarap ng ulam pagdating ko sa bahay.. hindi ako nagbibiro.. masarap talaga ang tingin ko sa sardinas at iklog kanina... tama.. sardinas at itlog nga!

tsk! nagutom nga talaga ko..

kainan na!!!

~


um!

PLAk!
loko kang lamok ka ha!! kakagat ka pa.. buhay ka pa?!! badtrip ako sayo..!

pero buti na lang hindi ginawa ni Lord na kasing laki ng tarat ang lamok.. "



i decided to get full blast tagalog on my friendster blog.. wala lang.. i just felt like doing it so i would not sound so trying hard to write in english.. minsan kasi najojologsan na ako sa sarili ko e.. (hindi naman ako kagaklingan.) saka minsan parang mas masaya basahin pag tagalog. at least you can express anything that you feel without exerting any effort.

sulat lang!


~

i saw this picture just now in friendster (its not that i am spying on somebody or something--- eeeerrrrr.. ok! maybe i am! but i would not call it spying.. whoah cmon! please tell
me you're not guilty doing this---- hmmmmm..)

:(


pakshet naman pre.. :(

bat parang may kirot ata akong nararamdaman.. kinakabahan ako.. parang bigla ata ako nanlambot, gusto ko na matulog.. ayoko na magprenster..

aw! :(




while listening to: mang kadio's croone playlist

1 Comments:

Post a Comment

<< Home

Sunday, April 09, 2006

ang inet!



nakalabas ka na ba ngayon??

waw pare ang inet!! pag mga ganitong panahon talagang panahon ng pagtatago ng mga egoi na tulad ko at ni aceong! hehe..

waw brod! uso ang shades! nakakasilaw kasi sa labas.. kaya kahit un tipong kahit tig-sisikwenta
pesos lang na shades pwede na basta makasunod lang sa uso..


"manang.. pabili nga ng shades un kulay yellow!"
"manang, pwede ba 45 na lang wala na kasi ako pamasahe e..??"


hindi na uso ang pumorma ng naka-layered at long sleeves..
bakit??..
gusto mo bang mag-amoy arabo??

e kung matapang ka naman..
meron ako dito jacket na maong! magmumuka ka pang kontrabidang artista.. hehe..
masarap maghalo-halo..
saging con yelo.. waw..
ice scramble kung wala ka naman pera.. hehe.. piso lang ayos kana..
o kaya naman yelo't tubig lang talu-talo na..
tapos merong mangga, sabay sasawsaw mo sa bagoong! sosmaryosep! san ka pa?!

maraming tao sa SM north ngayon.. siguro maraming pera anng mga tao..
may pang shopping e..

(hindi, wala lang pambili ng aircon..)

aba?! maraming nakahubad sa kalsada.. waw bold!!
mga lalaki lang, tanga.. dahil ba sa naghihirap na sila?
hindi naman, mainit lang talaga.. at least pag nakahubad konti na lang ang labada..

kung matapang ka (isa pa..) matulog ka sa tanghali..
ayos to kung naka-aircon ka.. kung hindi naman.. hehe.. cge ikaw bahala ka..

tsk.. yayaman na naman ang grotto vista nyan..

"don na lang kaya tayo sa Green Meadows mas mura..??"

kung may pera lang sana.. hindi na problema ang Bora.. sayang papakitaan ko sana sila ng isang matinding backstroke.. nyahahaha.. masarap magswimming ngayon..


nakopo!! pagbabad mo sa tubig..
mapapatirik pa ang mata mo sa lamig!

at ang paborito ko sa lahat.. ang basagan ng bungo!!
uso na naman ang mga paliga!! nyahahaha!!
masarap talaga maglaro.. marami nanonood..

bakasyon kasi.. dami tsiks! gaganahan ka talaga su-myut..
pero kung di ka naman kasali--- (pakshet kaiingit un!)
kahit nood lang pwede na rin.. basta maganda ang laban..
un tipong ang mga nanonood ganado rin sa sigawan..
at kung swerte ka pa, pati ikaw malamang mapag-initan.. ingat lang baka mabanatan.. :P

~

langya pati ako kanina muntik nang makadena! als dos ng umaga, lumabas pa kasi.. e nagugutom ako e..
e may dalawang tila nasobrahan ang epektong ng init sa utak at natuyuan ng sabaw ang dumaan sa hamburgeran.. tinanong ako..

"pre may nakita ka ba na dumaan na may dalang kadena??"

e wala naman ako nakita.. sabi ko wala.. sa una palang masama na tingin sa kin.. akalain mo bina-body pa ako ng walang hiya! binubunggo-bunggo ako.. e nabadtrip na rin ako.. binady ko na rin.. tapos napaurong, napalakas ata un body ko, heheh.. may kasama pala.. may dalang kadena ng tricycle.. gusto ko sana sabihin...

"ahhh pre.. ayun pala un hinahanap mong kadena e, gusto mo hamburger??.." |(heheheh)

kala ko nga hahatawin na ko nun isa e.. sa isip isip ko pag nahataw ako non sigurado bulagta ako.. ewan ko bat hindi ako natuluyan.. sumakay ng tricycle saka sumibat e.. siguro nasindak din sa kin.. heheh.. sindakan lang yan e..


ang di nila alam sindak na rin ako.. nyahahhaha!!!



0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Thursday, April 06, 2006

habang


pwede ba.. pwede ba??
na ika'wy makilala..
sa isang iglap para mawala na,
mawala na pangangamba..
dibdib na dumadamba..
lakas na sobra mahuhulog na sa kaba..

nasan na o nasan na??
ang pangarap na sinasamba..
patay na patay na.. mahuhulog na sa kaba..
sige na ilalaban kahit mundo magalit pa..
tatalon sa balon kung gusto mong mapatunayan pa..

pano na o pano na??
mapapansin mo pa ba?
ang pagibig na sobra sa kaba..
pwede bang manghingi ng mangga??
pawis na amoy patis na,
Diyos ko naman bat natotorpe pa..
kung sa mukha mong sobrang ganda..
ako kaya'y may panama pa?


i wrote this while i was waiting for an interview. this has a story actually.. see how my mind works when im bored?!

well it just so happened that i saw a very beautiful scene that day. and lets just say that she inspired me to write. actually these words just came out. i was actually not thinking anything. i was not thinking.. i was looking at her. ;p

still jobless at the moment, and it sucks! :'(




0 Comments:

Post a Comment

<< Home