paglingon sa pinanggalingan..
sinong nagsabi na wala kang mapapala sa frendster.. eto oh.. hay! wala na naman ako nagawa..
1.saan ka naghayskul?
QCA saka St. Cool-iat
2.teachers enemy ka ba?
minsan mainit sila sakin pero mabait naman ako.. nasubukan ko na nga masampal pero nun grade 6 pa yun e ang topic naman dito ay tungkol sa hayskul! kaya--- wag ka nang makulet.. uututan kita dyan e..
(uy teka! may nakita kasi akong gumagapang na daga!.. kala ko lalapit sa kinakain ko hopia e, aba nakipagtitigan pa sa akin.. para bang sinasabing "pakagat naman.. isa lang.." papayag na sana ako pero mukha syang natakot at tumakbo bigla.. tsk! hindi naman ako mukang pusa ah..)
3.anong kulay ng bolpen ang lagi mong ginagamit?
bawal ang pula non.. pero pwede ang bayolet.. oo tama bayolet nga.. nakakasawa na kasi ang asul at itim.. kaya bayolet na lang.. minsan pa nga berde.. para maiba lang---(pero ang totoo, mura kasi ang avanti na bolpen at cute itong tingnan, dahil nakakasawa na ang panda at apache)
4.parasite ka ba?
hehe.. ayos toits naalala ko hyskul!mahirap bumili ng papel nuon.. sa tatlo ka lang makakategorize---
ang MABAIT na martir...
ang PARASITE.. at ang..
MADAMOT na panget...
siyempre ayokong maging madamot na panget non at wala naman akong pangtustos sa pagbili ng isang pad na madali ring mauubos sa loob ng isang araw.. kaya sasama na lang ako sa kulang kulang na 50% ng klase na pagiging parasitiko.. ayos lang makapal naman ang mukha ko..
5.nangongopya ka ba?
wag kang magbintang! hindi ako nangongopya!! nanghihingi ako ng sagot! magkaiba un!
6.nagpapakopya ka ba?
ang tanong e kung may kumokopya ba.?. ewan ko ba.. kahit papano naman meron.. por eksampol..-- meron nga ko naging klasmate nun 3rd year.. sa una kinakagat nya lang un bolpen nya tapos kala ko nga nagiisip.. pero mayamya.. sabay na kaming nagpasa ng papel.. at sa chekan--- malungkot na karanasan ang bumulagta sa aming harapan..---- dalawa kaming hayest! tsk! buhay nga naman..
7.nagdadala ka ba ng sarili mong papel?
minsan.. pag trip lang..
8.nasa top 10 ka ba ng klase?
wala.. bobo lang ako..
9.sino ang pinakaayaw mong teacher?
ah! un student teacher sa Math na feeling maganda na laging nakabakod un bf nyang mukang hopia sa araw araw na masama pa ang tingin sa kin pag nakikita nya ko tumitingin sa gf nya.. na isang araw ay nagpa-quiz sa math na dictation ang ginawa dahil nakalimutan nya ata magdala ng chalk.. o talagang trip nya lang! isipin nyo quiz sa math.. DICtATION! waw! muntik ko na siyang painumin ng PROMIL..
10.e pinaka-favorite?
miss cumal! ONLY! isang araw nakaupo lang ako sa labas ng school dahil inaabangan ko lumabas ang kras ko, ng bigla nya ko hinila at binigyan ng mr. donat na usong uso nuon. nainis nga ko dahil hindi ko na makikita un kras ko pero ng makita ko un tumataginting na mr. donat at sopdrinks sa plastik na may istro, nagbago bigla ang mood ko.. nagtanong ako kung bakit--- sabi ni mam "muka ka kasing gutom.." at simula non, lagi na kong nakatambay sa labas ng math dep..
11.pinakaayaw mong klasmeyt?
o cge na nga.. sinubukan ko talaga gustuhin sya pero pilit syang nakikipagtagisan sa akin samantalang ang tanging nais ko lamang gawin non ay pumasok.. pumasa.. kumuha ng baon.. humigop ng sago.. kumain ng turon.. manghingi ng papel.. at makita ang kras ko.. nakakainis sya non, siguro iba na sya ngayon.. kasi ako--- huh! uy, sago!!!
12.anong subject ang may highest grade mo?
nako hindi ko na ata matadaan.. halos pantay pantay naman kasi ang mga grade ko non.. ah! alam ko na..-- journalism!
13.lowest subject?
history.. mamaya malalaman mo kung bakit-----
14.sino ang crush mo during those days?
waw! slumbook!
15.ano ang theme song mo sa kanya?
waw! slumbuk na talaga..!! baka may MOTTO pa diyan ha..!
16.fave events?
ang makabagbag damdaming recess...
17.saan ang paborito mong sulok sa classroom?
sa likod! andon lahat ng mga ratbhoos! ang mga nilalang na hindi naman kagandahang lalaki pero malalakas ang sex drive este sex appeal.. at pwede nyo itong ikunsulta sa aming minamahal na adviser na meroong "killer HOOK kick"..--- si Mr. Ong..
18.natutulog ka ba sa klase?
hindi ko pa ito naranasan.. minsan lang pag walang guro..
19.favorite mo ba ang PE?
oo.. un bolrum dancing ni mrs. decena na napapa-kurap pa habang ninanamnam ang himig sa makamundong "DANCING QUEEN".. buti na lang hindi ako napakanta.. buti na lang..---
20.may swimming pool ba kayo sa skul?
depende sa panahon.. -- pag tag-araw wala..
21.oval, meron?
wala.. pero malapit lang kami sa Circle, isang sakay lang..-- ay! dalawa pala.. pero malapit lang talaga.. (gets mo yun joke?? haha! nakakatawa...--- sobra!)
22. basketball court?
meron pero walang ring! un na rin ang swimming pool, pero pag umuulan lang..
23.naisip mo na bang sunugin ang skul niyo?
one tym lang.. nun nagutom ako tapos walang tindang turon.. wala na kasi akong pera non.. pang turon na lang..--- mahirap talaga pag gutom..
24.nagprom ba kayo?
oo naman! nun 3rd year pink pa nga un suot.. tapos nun 4th year blue-- badtrip pa nga ko kasi sakto lang un long slivs ko e ang gusto ko non maluwang.. uso kasi non ang hip-hop..--- naKasimangot tuloy ako sa pictures.. nawalan pa ko ng gana sumayaw.. kalahati lang ng babae kong clasmate un sinayaw ko sa asar.. dapat lahat, kawawa naman yun hindi ko nasayaw!! sabi ko next tym na lang.. nalungkot tuloy sila.. sayang hindi ako nanalo ng prom king.. kung nakapagsuot lang talaga sana ko ng hiphop na long sleeves baka..---- sayang...
25. may nakaaway ka bang teacher?
nun 2nd year ako nagalit sakin un titser ko sa science.. hindi daw kasi ko nakikinig sa kanya.. kala ko simpleng galit lang un pala malala na.. hindi daw kasi ko nakikinig, peyborit pa naman nya ko.. 2nd year pa rin, pinalabas ako sa labas ng classroom.. sabi kasi ng titser ko sa social studies aka HISTORY--- "anong pangalan mo?! bat ka tumatawa..?!" sabi ko wala.. hindi naman ako tumatawa non.. napangiti lang.. kasi nagpapacute ako sa katabi ko.. sabi sakin nun titser "tumatawa ka tapos wala?! ano ka baliw? o sige magpahangi ka muna sa labas..." e mainit kaya lumabas na rin ako.. mas malamig nga sa labas.. kaso hindi ko marinig ang discussion..
tapos nun 3rd year.. nakita ako ngumiti (ulit) ni mr. de guzman sa pehm.. "bat ka tumatawa??" sabi ko hindi ako tumatawa napangiti lang.. tapos nagtanong sya bakit.. sabi ko wala.. sabi nya "wala?! ano ka baliw (na naman..) halika dito sa harap at tumawa ka ng malakas" hindi ako tumawa kasi natakot ako baka matalsikan ko sya ng laway.. kaya pinatayo na lang nya ko sa likod.. maganda daw kasi un likod ko..
26.ano ang pinakamamimiss mo sa hyskuL??
ang pagpapraktis ng sabayang pagbigkas! tapos---- talo..
ang pagbasted ni michele kay rannie..
ang magfeeling matalino kahit hindi nagaaral..
27.worst kalokohan noong hayskul?
isa ko sa mga mahilig magdala ng pentel pen non.. at kung may mababasa kang "i was here" o kya naman.. "i love you _____" sa isang upuan o kaya naman "pilo2".. malamang sa akin ang isa don! yun ang tinatawag kong "self-expression"..
28.greatest regret!!
wala! isa sa mga motto ko sa buhay ay "never regret".. ayos ba?
29.if given the chance, babalikan mo pa ba hayskul?
oo naman.. nakakamis un hindi pag-aaral kahit periodical na--- abcd lang tapos iniminimaynimo.. tapos pinaka astig un maka 50/50 sa GMRC, kasi pag may mali kang isa malamang ikaw na lowest! yakkkkk!
30. anu-ano sections mo nung HS?
nuong nasa praybeyt ako, lagi akong nasa last section... un ang isang downfall ng "V" ang simula ng apelido mo.. pero hindi naman ibig sabihin ng nasa last section ka na e row 4 kana.. sabihin na lang natin na nung mga panahon na yon, mas relaks kami kesa sa mga nasa star section.. pero nun nalipat ako sa public nun 3rd year nag-imprub ng konti dsahil napunta ako sa upper class.. section 6! heheh, hindi na masama--- at nang mapunta ako don ay mas naranasan ko ang magrelaks at maging matalino..
at nuong 4th year nagkataon lang na napadalas ang bigay ko ng FUNDADOR at rim ng yosi sa mga titser ko.. kaya natuwa sila sakin.. dinala nila ko sa section...--- janjararaannnn!!! ONE!! (ahhh! sa wakas!)

2 Comments:
yahu!
By pilimon, at May 12, 2006 at 2:42 PM
spammer.. syu! syu!
By Anonymous, at May 13, 2006 at 6:31 AM
Post a Comment
<< Home