Sunday, September 24, 2006



ako si pilimon....---

..at ito ang aking buhay...






"-- bakit??.. masama bang uminom ng tubig kapag sinisipon??.."

10 Comments:

Post a Comment

<< Home

Tuesday, September 19, 2006

isang araw--



PARA NGA!! (sabay katok sa bubong ni manong..)

hindi tumigil ang dyip (panong titigil e nasa gitna ng EDSA) "sa tamang bababan lang" sabi nun drayber..

PARA!!!PARA!!

PARAAAAHH!! (kumatok uli sa bubong.. mas madami.. mas malakas) parang naiirita na ako sa mamang mukang palaka.. bakit naman kasi sa gitna ka pa ng EDSA bababa?? hindi na rin sya pinansin ng drayber, nagpunas lang ito ng pawis sa batok.


BOSS, PARAAAHH!! (halos matanggal na ang bubong ng dyip sa lakas ng katok nya) hindi na ko nakapagpigil, kaya sinabihan ko sya.. "Boss, hinay lang sa pagkatok.. baka bumukas yan.." hinihintay ko sanang may sumigaw ng "tuloy ka.. hudas!!"

parang nainis na si manong drayber kala ko nga sasabihin nya na.. "HOY GAGO!! WAG MO GIBAIN YANG BUBONG NG DYIP KO!! NAKADIKIT LANG NG KULANGOT YAN!!" --- pero sadya atang mabait ang drayber kaya ang sinabi nya lang..--- "sa babaan lang po! bat kasi hindi ka pa bumababa kanina e ang lapit na!!" kala ko nga kukuha na ng liyabe si manong drayber at ibabato sa mamang gumigiba sa bubong ng dyip nya kanina pa.



PAAARAAAAAHHHHH!!!! PAAAARAAAAAHHH!!!! PAAAARAAAAHHH!!! (kumatok, sumutsot, humoyhoy at kulang na lang ay sumayaw ng macarena para lang ipabatid na merong bababa) oo alam na naming bababa ka, pero sa bababaan titigil ang dyip kaya kung gusto mo, tumalon ka.. tumalon ka para may libre kaming kape at biskwit mamayang gabi..


6 Comments:

  • Sarap kutusan ng ganon. Hmp!

    By Blogger Ayie Marcos, at September 20, 2006 at 6:52 AM  

  • @* diday kampupot *
    uy! trinapay!! kamusta ka na?? aba!! mis u na!! :p

    @pepay este pipay
    hahaha.. salamat sa pagdaan.. muntik ko na nga sinabihan na "BOSS TUMALON KA NA LANG PARA MASAYA KAMI LAHAT!!" :P

    By Blogger pilimon, at September 20, 2006 at 2:12 PM  

  • bwahaha! ang gandang sulat tungkol sa isang bagay na laging nangyayari.

    maniwala ka: marami ang nagkalat na tanga.

    By Blogger atticus, at September 22, 2006 at 6:07 AM  

  • @atticus

    maniniwala ka bang payuko akong sumigaw ng "TULOY.. BUKAS YAN!!", para lang paalam sa kanya na nagmumuka na talaga syang engot.. hehe.. :)

    By Blogger pilimon, at September 22, 2006 at 12:45 PM  

  • ang mga pinoy walang disiplina. di marunong bumaba sa babaan ng jeep. kaya walang jeepney stop o bus stops dyan sa pinas kse olats.

    "mama, para po sa side."
    "sandali lang, may cops."

    By Blogger duke, at September 25, 2006 at 6:11 PM  

  • aba!! ang konyo ng pasahero't drayber na yan a!! :p

    meron ng mga stops ngayon. may nakasulat na "WALANG BABAAN!!" o kaya naman "DOON ANG SAKAYAN".. at hindi ka magkakamali sa mga signs na ito na proud na proud sa kanilang matingkad na kulay..--- pink..

    gayunpaman..anrami pa ring mga pinoy na masarap kutusan!! :D

    By Blogger pilimon, at September 26, 2006 at 2:36 AM  

Post a Comment

<< Home

Sunday, September 03, 2006

komiks


"isang malungkot at mahapding katotohan..."





carpool comic strips

4 Comments:

  • hehe. hamo na. it's a phase we all go through in life. when you hit late twenties, mas direct na ang ligawan.

    then sa mga nakikita ko sa mga forties, tinginan lang, after a while they're at it na. (you didn't hear that from me)

    By Blogger atticus, at September 3, 2006 at 10:35 AM  

  • @ atticus

    hahaha! my lips are sealed.. :p

    By Anonymous Anonymous, at September 4, 2006 at 9:02 PM  

  • Saklap nga yan, bro. ehehehe. Ganyan ba ang nangyari sayo. Feel ko tuloy i-blog ang nangyari sa akin noon. aheheheeh.

    Tip mula sa isang babae (bakla!): Wag na kse kyeme. Mahirap kse na naikondisyon mo na ang sarili mo na kuya ka tas bigla kang liligaw, parang kakadiri tuloy. At feeling naloko (syempre la malisya ang kiss kiss, ang hugs hugs tapos yun pala may pagnanasa! Whahehehe) dahil iba pala ang tingin sa'yo!

    By Blogger Ayie Marcos, at September 6, 2006 at 11:44 PM  

  • @pipay

    hahaha.. hindi naman ganyan nangyari sa kin.. pag may tipo akong babae, naniniwala ako na dapat sa una pa lang ipabatid mo na kung ano ang iyong pakay. pero aaminin ko na marami akong kaibigan na napangyarihan ng ganyan.. hahahah..

    nagbalik na ko.. matagal ata akong nakaidlip.. :)

    By Blogger pilimon, at September 19, 2006 at 11:35 AM  

Post a Comment

<< Home