isang araw--
PARA NGA!! (sabay katok sa bubong ni manong..)
hindi tumigil ang dyip (panong titigil e nasa gitna ng EDSA) "sa tamang bababan lang" sabi nun drayber..
PARA!!!PARA!!
PARAAAAHH!! (kumatok uli sa bubong.. mas madami.. mas malakas) parang naiirita na ako sa mamang mukang palaka.. bakit naman kasi sa gitna ka pa ng EDSA bababa?? hindi na rin sya pinansin ng drayber, nagpunas lang ito ng pawis sa batok.
BOSS, PARAAAHH!! (halos matanggal na ang bubong ng dyip sa lakas ng katok nya) hindi na ko nakapagpigil, kaya sinabihan ko sya.. "Boss, hinay lang sa pagkatok.. baka bumukas yan.." hinihintay ko sanang may sumigaw ng "tuloy ka.. hudas!!"
parang nainis na si manong drayber kala ko nga sasabihin nya na.. "HOY GAGO!! WAG MO GIBAIN YANG BUBONG NG DYIP KO!! NAKADIKIT LANG NG KULANGOT YAN!!" --- pero sadya atang mabait ang drayber kaya ang sinabi nya lang..--- "sa babaan lang po! bat kasi hindi ka pa bumababa kanina e ang lapit na!!" kala ko nga kukuha na ng liyabe si manong drayber at ibabato sa mamang gumigiba sa bubong ng dyip nya kanina pa.
PAAARAAAAAHHHHH!!!! PAAAARAAAAAHHH!!!! PAAAARAAAAHHH!!! (kumatok, sumutsot, humoyhoy at kulang na lang ay sumayaw ng macarena para lang ipabatid na merong bababa) oo alam na naming bababa ka, pero sa bababaan titigil ang dyip kaya kung gusto mo, tumalon ka.. tumalon ka para may libre kaming kape at biskwit mamayang gabi..
6 Comments:
Sarap kutusan ng ganon. Hmp!
By Ayie Marcos, at September 20, 2006 at 6:52 AM
@* diday kampupot *
uy! trinapay!! kamusta ka na?? aba!! mis u na!! :p
@pepay este pipay
hahaha.. salamat sa pagdaan.. muntik ko na nga sinabihan na "BOSS TUMALON KA NA LANG PARA MASAYA KAMI LAHAT!!" :P
By pilimon, at September 20, 2006 at 2:12 PM
bwahaha! ang gandang sulat tungkol sa isang bagay na laging nangyayari.
maniwala ka: marami ang nagkalat na tanga.
By atticus, at September 22, 2006 at 6:07 AM
@atticus
maniniwala ka bang payuko akong sumigaw ng "TULOY.. BUKAS YAN!!", para lang paalam sa kanya na nagmumuka na talaga syang engot.. hehe.. :)
By pilimon, at September 22, 2006 at 12:45 PM
ang mga pinoy walang disiplina. di marunong bumaba sa babaan ng jeep. kaya walang jeepney stop o bus stops dyan sa pinas kse olats.
"mama, para po sa side."
"sandali lang, may cops."
By duke, at September 25, 2006 at 6:11 PM
aba!! ang konyo ng pasahero't drayber na yan a!! :p
meron ng mga stops ngayon. may nakasulat na "WALANG BABAAN!!" o kaya naman "DOON ANG SAKAYAN".. at hindi ka magkakamali sa mga signs na ito na proud na proud sa kanilang matingkad na kulay..--- pink..
gayunpaman..anrami pa ring mga pinoy na masarap kutusan!! :D
By pilimon, at September 26, 2006 at 2:36 AM
Post a Comment
<< Home