Thursday, August 17, 2006

bokabularyo


malandi n. (alembong) flirt, coquette

gamitin sa pangungusap..--


BRUNO: ikaw ha, ang landi landi mo.. bakit mo fini-flirt si Ivan?

BOGART: hooyyy, hindi ha! ikaw nga dyan kinu-coquette mo si Inggo nun isang araw.




maharot n. unladylike, coarse, unrefined

gamitin sa pangungusap..--

kaaliw ka. ang harot ng mga entries mo.

salamat naman at naaliw ka. siguro talagang may pagka-ma-unrefined lang ako.




:p

6 Comments:

  • coquette? di ba iyon iyong gantsilyo?

    as in "di ko natapos ang coquette, kasi nauna muna ang harutan namin ni lab."

    By Blogger atticus, at August 17, 2006 at 8:22 PM  

  • baliw.

    By Blogger duke, at August 20, 2006 at 10:24 PM  

  • @atticus

    ahhh.. ehhh.. brand ata ng mamahaling kotse un atticus! :D

    @rHo-anne

    oi! hindi ha!! ECHOZ!!! :p

    oo ba! isa lang ha!! :D

    @duke

    magagamot pa kaya ako doc?? :D

    By Anonymous Anonymous, at August 21, 2006 at 11:59 AM  

  • Feeling guilty ako ah. Ok. Ang "harot". Ganyan kasi mag usap yung mga kapatid kong lalaki (umamin na ako yun! aheheheh). Nakita rin kita sa bahay ko eh. Siguro naman nalaman mo kung bakit aliw na aliw ako sa'yo.

    Katulad mo, isa rin akong "balakubak". ahahahah.

    Ewan, siguro, if you'll know me...ewan uli.

    Sana di kita na offend.Masaya lang talaga mga post mo.

    P.s.
    Mahirap sa isang tulad ko na may utak na gaya ng utak mo na hindi nabubulalas. Prim and proper sa labas kasi kailangan, pero sa loob daming kalokohan! ah ewan. aheheheh (baka nga lalaki kasi ako!)

    By Blogger Ayie Marcos, at August 23, 2006 at 2:55 AM  

  • @Pipay

    sa totoo lang naalala ko sa yo ang peborit kong SEXBOMB dancer.. ganyan kasi ang pangalan nya. pioneer pa sila noon..

    haha.. salamat, hindi naman ako na offend. cool lang ako. yaan mo pag nakita kita re-wrestlingin na lang kita bigla!

    haha!! joke lang..


    @* diday kampupot *

    uy! trinapay.. musta ka naman jan??
    teka.. gantsilyo ba un? kala ko sila un sikat na banda ngayon..

    :P

    By Blogger pilimon, at August 28, 2006 at 2:16 PM  

  • diday, hindi ah! ang crochet, iyon iyong kinakain na isinasawsaw sa suka. iyong kulay dilaw? iyong amoy malansang isda?

    ay hindi. iyon iyong tinapay ng mga pranses. iyong kapag kinain mo, maraming crumbs ang nalalaglag sa sahig. iyong hugis alupihan? iyon iyon!

    By Blogger atticus, at August 31, 2006 at 6:13 PM  

Post a Comment

<< Home

Sunday, August 13, 2006

basketbol muna..









August 19, 24 teams, 1 passion.

24 nations will compete for basketball's most prestigious title that will be held on August 19 in Japan.

one more week and balls will start on rolling. one more week...--- (tangna!)

if they could only put first the interest of the whole nation and work as a team, just for once. and again show the whole world that we deserve to compete with the world's elite in basketball. once again bring back the glory of the yesteryears.


its not about winning, its not about bagging the gold cup, its about showing the whole world the heart and soul of our people, let them know what we're made of. its all about playing and playing hard. its all about our love for the game. its all about the "booos", "whoahs" and the "yahoos", the cheers and the laughs. its all about the smiles and the excitement of every Filipinos as they watch their countrymen represent and feel proud.


but then again, politics is just way more important for those egomaniacs in the government. too bad.. tsk! tsk!



sayang.. gusto lang naman natin makapaglaro.. gusto lang naman natin ipakita sa mundo na bagamat mas maunlad sa atin ang japan, taiwan at qatar. mas magaling naman tayo sa kanila sa basketbol.

gusto ko lang maglulundag, magtatalon, magpipilipit at magsisigaw ng..---


"tangina mo siegle!! tangina mo siegle!! ang lupet mong hayup ka! tangina mo idol!! ang lupit mo!!"

habang nanonod ng laro ng Pilipinas..




siguro kung ako ang pabubuuin ng isang TEAM PILIPINAS. itong mga manlalarong ito ang mga kukunin ko..


jimmy alapag (G)
james yap (G/F)
danny siegle (G/F)
kerby raymundo (F)
asi taulava (C)
don don hontiveros (G)
mike cortez (G)
willie miller (G)
marc pingris (F)
rico villanueva (F/C)
mick pennissi (F/C)
erik menk (C)
lordy tugade (G)
kenneth duremdes (G/F)
renren ritualo (G)


**(ito'y sariling opinyon ko lamang)


pasensya na kung hindi ko nasali si the spark caguioa..-- paumanhin sa mga maka-GINEBRA. alam kong malakas siya. pero mas gugustuhin ko ang isang player na mas nanaising pumasa kaysa ang tumira. oo alam kong sugapa rin sa bola sina james yap at renren ritualo. pero sa tingin ko, mas mapapakinabangan sila kaysa kay mark lalo na kung mga kautulad nila YAO MING, ELTON BRAND at PAU GASOL na ang makakalaban. (pero bayaan nyo, pag may nainjury sa 15 na iyan si caguioa ang talagang nasa isip ko ipasok.) at isa pa, alam ko namang malabo nang makapasok si duremdes sa final line up kung kaya't alam kong mas malaki ang tsansa ni mark. but in my humble opinion lang, kelangan ng lider ng isang team,ng isang beterano.. at kaya itong ibigay ni duremdes, maaring hindi na nga siya kasing "halimaw" tulad ng dati, ngunit hindi naman maikakaila na malupit pa rin siya.


mas pinili ko rin sila alapag at cortez kaysa kay helterbrand, hindi dahil mas magaling silang gumawa ng puntos kundi dahil mas magaling silang magpagawa ng puntos sa kanilang mga kakampi.


gustong gusto kong ilagay sa isang team ang mga manlalarong tulad nila pingris at pennissi. hindi naghahanap ng playing time, okey lang kahit hindi mapasok hanggat maganda ang pinapakita ng mga kakampi. handang masaktan (si mick handang manakit), handang isakripisyo ang katawan. hindi hinihiling na pumuntos dahil mas masaya silang nakikipagbanggaan sa mala-adobeng katawan at nakikipaghabulan sa bola kahit sang impyerno man ito tumalbog. minsan lang tumira pero maaasahan. magaling sila sa kung anuman ang kanilang ginagawa. at ang maganda pa sa kanila..-- ang kanilang sipag at lupit sa depensa.



hindi ako ganon kagalingan sa basketbol. mahilig lang talaga akong maglaro. mahilig akong manood, basta may bola ng basketbol pinapanood ko, NBA, PBA, UAAP, NCAA.. PBL.. kahit liga lang yan sa may kanto basta maganda ang laro. lalong- lalo na pag international games na ang pinag-uusapan. hindi ko palalagpasin ang laro ng pilipins team. sayang lang hindi tayo kasali sa WORLD CHAMPIONSHIP.



**habang ginagawa ko ang post na ito, kakabasa ko lang ng balita.--


RITUALO SNIPING LEADS SMB-RP BOMBING OF LEBANON


tinalo natin ang lebanon na kasali sa World championships..!


~

langya.. nataya pa ko ni garnet girl. napahawak tuloy ako ng libro at napabasa. muntik na ko mabulag.. :p

BOOK MEME...


mirrorlike surfaces reflect away most of the radiation that falls on them and thus are poor absorbers as well as poo emitters. very black surfaces on other hand are very good absorbers of radiation. a black asphalt parking lot will be hotter than an adjacent concrete sidewalk.

~PHYSICS by P.P. Urone



**thanks to doanne (ulanya ka) hehe.. :)


2 Comments:

  • actually kinukuha nga ko e.. kaso masyado lang ako busy ngayon.. inaasikaso ko pa ang family business..--- ISAWAN.. :)

    hahah.. sigurado kita esopagus mo habang chinicheer mo waswits mo.. hahahaha.. :)

    ingat.. :p

    By Blogger pilimon, at August 17, 2006 at 1:29 PM  

  • hahaha!! sure sure!! bibigyan kita ng discount! :p

    By Anonymous Anonymous, at August 21, 2006 at 11:25 AM  

Post a Comment

<< Home

Tuesday, August 08, 2006

sino kaya kamukha ko?



napadaan ako sa isang post ni sayote queen at ako'y namangha! kamukha nya pala si PENELOPE CRUZ!

medyo naiinggit ako kaya..--- ako kaya??
sino kaya kamukha ko..


"salamin, salamin..
sabihin sa akin sinong may taglay din ng mukha kong akin.. "


ito ang una kong nakuha...

~unang subok..
wawwww!!! pang NBA!!!




~at sa pangalawang subok...--- (hindi naman pala ako ganon kagwapuhan..)


JOHNNY DEPP (only!!!!)!!!??? hoooohhh!!! ang gwapo ko naman!!! hoooohhh!!!

~at sa pangatlong larawang sinubukan ko.. napailing na lang ako at dahan dahang napakanta..

"hoowooo-huwooohuwoooowww!!! howoooooo-huwooohhh-huwohuwoooowww!! ipaglalaban ko ang ating pag-ibig.. mag antay ka lamang, ako'y darating..--- hoooohhhh..."


ECHO??!! tsk! tsk! kamukha ko si panday pre!.. (*panis!*)

~pero sa lahat...--- ito ang di ko matanggap..--- (*buntong hininga*)



KRISTIN KREUK??! (*jusko naman!!*)

KRISTIN KREUK??! hindi ako magpapakita kay clark kent baka habulin ako! putsa, ano..?? brokebackan kame??!




~ahhhh.. shet! kamuka ko si johnny depp at si echo.. hindi ako makakatulog nito..~

7 Comments:

  • @rHo

    hahahahahh!!

    yan ang gusto ko sayo rHo eh! isa ka talagang tunay at mahusay na kaibigan..

    kaya nga ba ayaw kong magpakita kay heart e, baka mainlab pa sa kin.. :p

    By Anonymous Anonymous, at August 8, 2006 at 11:45 AM  

  • tsk. sabi nang good looks comes with humility. nakalimutan mo iyong humility. hala ka.

    By Blogger atticus, at August 9, 2006 at 3:42 AM  

  • grabe naman yung last. akalain mo, kung ano pa yung joke na pic, magandang babae pa ang lumabas. Hahaha! masubukan nga yan. bisitahin mo ang site ko pagka post ko niyan? hehe!

    By Anonymous Anonymous, at August 10, 2006 at 10:05 AM  

  • laughtrip yan. minsan pa kamukako mga lalake. tapos mga kamuka ko mga asiano. nakakatawa nga eh! =)) haha. atleast diba! haha. ui thanks sa comment ah. napatawa ako dun ^_^ hhaha:D ingat

    By Anonymous Anonymous, at August 12, 2006 at 5:28 PM  

  • @rHo

    hanep ka rin, pagkatapos mo ko itaas ng todo ibabagsak mo rin pala ko. hahaha.. sensya na mejo busy lang past few days kaya di makabisita. try ko mamaya.. :p

    @atticus

    hindi mo pa naramdaman?? humble na ko nyan.. hahah.. biro lang.. :)

    @garnet girl

    oo nga e. buti nga hindi ko pa nilagay nun naging kamuka ko si penelope cruz. at 2 beses pa!! :(

    @rina

    salamat din sa pagdaan. tawa din ako ng tawa nun pinuntahan ko un site na yan! lalo na ng naging kamuka ko si echo! hahaha!

    salamat uli. ingat din.. :D

    By Blogger pilimon, at August 13, 2006 at 1:20 AM  

  • @diday

    mukang inosenteng inosente at walang kamuwang muwang.. sa pichurs pa lang yan trina, pano pa kaya pag sa personal na..

    KAHINDIKHINDIK..

    :p salamat

    By Anonymous Anonymous, at August 14, 2006 at 11:24 AM  

  • @diday

    hahahaha.. :D

    By Anonymous Anonymous, at August 14, 2006 at 12:22 PM  

Post a Comment

<< Home