basketbol muna..
August 19, 24 teams, 1 passion.
24 nations will compete for basketball's most prestigious title that will be held on August 19 in Japan.
one more week and balls will start on rolling. one more week...--- (tangna!)
if they could only put first the interest of the whole nation and work as a team, just for once. and again show the whole world that we deserve to compete with the world's elite in basketball. once again bring back the glory of the yesteryears.
its not about winning, its not about bagging the gold cup, its about showing the whole world the heart and soul of our people, let them know what we're made of. its all about playing and playing hard. its all about our love for the game. its all about the "booos", "whoahs" and the "yahoos", the cheers and the laughs. its all about the smiles and the excitement of every Filipinos as they watch their countrymen represent and feel proud.
but then again, politics is just way more important for those egomaniacs in the government. too bad.. tsk! tsk!
sayang.. gusto lang naman natin makapaglaro.. gusto lang naman natin ipakita sa mundo na bagamat mas maunlad sa atin ang japan, taiwan at qatar. mas magaling naman tayo sa kanila sa basketbol.
gusto ko lang maglulundag, magtatalon, magpipilipit at magsisigaw ng..---
"tangina mo siegle!! tangina mo siegle!! ang lupet mong hayup ka! tangina mo idol!! ang lupit mo!!"
habang nanonod ng laro ng Pilipinas..
siguro kung ako ang pabubuuin ng isang TEAM PILIPINAS. itong mga manlalarong ito ang mga kukunin ko..
jimmy alapag (G)
james yap (G/F)
danny siegle (G/F)
kerby raymundo (F)
asi taulava (C)
don don hontiveros (G)
mike cortez (G)
willie miller (G)
marc pingris (F)
rico villanueva (F/C)
mick pennissi (F/C)
erik menk (C)
lordy tugade (G)
kenneth duremdes (G/F)
renren ritualo (G)
**(ito'y sariling opinyon ko lamang)
pasensya na kung hindi ko nasali si the spark caguioa..-- paumanhin sa mga maka-GINEBRA. alam kong malakas siya. pero mas gugustuhin ko ang isang player na mas nanaising pumasa kaysa ang tumira. oo alam kong sugapa rin sa bola sina james yap at renren ritualo. pero sa tingin ko, mas mapapakinabangan sila kaysa kay mark lalo na kung mga kautulad nila YAO MING, ELTON BRAND at PAU GASOL na ang makakalaban. (pero bayaan nyo, pag may nainjury sa 15 na iyan si caguioa ang talagang nasa isip ko ipasok.) at isa pa, alam ko namang malabo nang makapasok si duremdes sa final line up kung kaya't alam kong mas malaki ang tsansa ni mark. but in my humble opinion lang, kelangan ng lider ng isang team,ng isang beterano.. at kaya itong ibigay ni duremdes, maaring hindi na nga siya kasing "halimaw" tulad ng dati, ngunit hindi naman maikakaila na malupit pa rin siya.
mas pinili ko rin sila alapag at cortez kaysa kay helterbrand, hindi dahil mas magaling silang gumawa ng puntos kundi dahil mas magaling silang magpagawa ng puntos sa kanilang mga kakampi.
gustong gusto kong ilagay sa isang team ang mga manlalarong tulad nila pingris at pennissi. hindi naghahanap ng playing time, okey lang kahit hindi mapasok hanggat maganda ang pinapakita ng mga kakampi. handang masaktan (si mick handang manakit), handang isakripisyo ang katawan. hindi hinihiling na pumuntos dahil mas masaya silang nakikipagbanggaan sa mala-adobeng katawan at nakikipaghabulan sa bola kahit sang impyerno man ito tumalbog. minsan lang tumira pero maaasahan. magaling sila sa kung anuman ang kanilang ginagawa. at ang maganda pa sa kanila..-- ang kanilang sipag at lupit sa depensa.
hindi ako ganon kagalingan sa basketbol. mahilig lang talaga akong maglaro. mahilig akong manood, basta may bola ng basketbol pinapanood ko, NBA, PBA, UAAP, NCAA.. PBL.. kahit liga lang yan sa may kanto basta maganda ang laro. lalong- lalo na pag international games na ang pinag-uusapan. hindi ko palalagpasin ang laro ng pilipins team. sayang lang hindi tayo kasali sa WORLD CHAMPIONSHIP.
**habang ginagawa ko ang post na ito, kakabasa ko lang ng balita.--
RITUALO SNIPING LEADS SMB-RP BOMBING OF LEBANON
tinalo natin ang lebanon na kasali sa World championships..!
~
langya.. nataya pa ko ni garnet girl. napahawak tuloy ako ng libro at napabasa. muntik na ko mabulag.. :p
BOOK MEME...
mirrorlike surfaces reflect away most of the radiation that falls on them and thus are poor absorbers as well as poo emitters. very black surfaces on other hand are very good absorbers of radiation. a black asphalt parking lot will be hotter than an adjacent concrete sidewalk.
~PHYSICS by P.P. Urone
**thanks to doanne (ulanya ka) hehe.. :)
2 Comments:
actually kinukuha nga ko e.. kaso masyado lang ako busy ngayon.. inaasikaso ko pa ang family business..--- ISAWAN.. :)
hahah.. sigurado kita esopagus mo habang chinicheer mo waswits mo.. hahahaha.. :)
ingat.. :p
By pilimon, at August 17, 2006 at 1:29 PM
hahaha!! sure sure!! bibigyan kita ng discount! :p
By Anonymous, at August 21, 2006 at 11:25 AM
Post a Comment
<< Home