huntahang pusakal..
huhummmmmm... (hikab) (-_-)
wala akong tulog kanina. sa totoo lang pag wala akong tulog dalawa lang ang maaari kong pagpilian. iyon ay ang lalakas ang toyo ko sa utak o ang magiging bugnutin ako at madaling mainis.
kanina ngiyaw ng ngiyaw un isang kuting na napulot namin. at nung tiningnan ko siya, inakala ko na siya ay nakatingin sa akin at nanghihingi ng pagkain. pero hindi.. ngumingiyaw ito ng nakayuko.. oo tama.. nakayuko nga.. nakaramdam agad ako ng awa sa munting pusa. muka kasi siyang umiiyak. hindi siya nanghihingi ng pagkain. hindi siya nakatingin sa akin. nasa sulok lang siya.. nakayuko.. ngiyaw ng ngiyaw.----
umiiyak siguro siya. pusa..--- umiiyak.. (wow!)
sapat na iyon para maantig ang puso kong dating sintigas ng bato't asero. lumambot itong parang marsmalo. parang toblerone na nakalimutang ilagay sa fridge. kaya kinuha ko ang garapon ng gatas, isang platito at tinimplahan ko siya ng isang platitong gatas. kinuha ko ang dropper na ginagamit ng nanay ko sa pagpapakain sa kuting at pinakain ko siya. alam kong hindi siya nanghihingi ng pagkain. pero un na lang ang naisip kong paraan para maalo ko siya.
"ngiiiiyyyyaaaaaaawww... ngiiiiyyyyaaaaaaawww....."
ito lang ang tangi niyang nasabi.
nakayuko pa rin. hindi tumitingin sa akin.
lumakad.. pumunta uli sa sulok..
yung pinakamatandang pusa dito sa bahay, hindi talaga siya nakakatuwa--- isipin mo halos isang dekada na ata siyang namamahay dito sa amin e hindi man lang ito marunong magpakarga. at kung kasing tapang ka naman ni FPJ, maaari mong subukan.. siguradong mapapabili ka agad ng betadine at plaster sa iyong suking tindahan para sa mukha mo. suplada ika nga. hindi ko rin siya gusto dahil bukod sa wala itong alam gawin kundi ang mag-anak ng mag-anak at magnakaw ng pagkain. hindi talaga kami magkasundo.
pero kanina. nilapitan siya nun malungkot na kuting. kinuha ko na ang walis tambo. sabay bulong sa sarili ko, "pag yan inaway mo.. patitirikin ko ang mata mo.." pero nun nakita ko na dinilaan nya ng marahan ang munting pusa..-- muntikan na akong maluha.. konti na lang.. konting-konti na lang..
hinilamusan nya ito ng hinilamusan hanggang sa magmuka na uli itong pusa. nagulat ako ng mahuli kong nakatingin na sa akin ang munting kuting na kanina'y ayaw man lang akong masilayan. tahimik lang siya habang nagpapadila sa malaking pusa. nakatingin sa akin habang nagpapadila.. sabi nya siguro...---
"miss ko lang nanay ko..--"

9 Comments:
trinapay, (mas gusto ko tong nick na to e..) musta? ok ka na ba? salamat sa pagdaan.. sipag ah.. :)
By Anonymous, at June 29, 2006 at 1:17 PM
anak ng pitumpu't pitong puting pusa! nakakaantig naman tong post na to! baka nga miss mo lng nanay mo?! hehe nakikiraan lng po! ;)
By Anonymous, at July 12, 2006 at 6:11 PM
pang "maalaala mo kaya" pla tong post mo eh. lol. nabasa ko ang "daig ng boloero ang gwapo " sa friendstr blog mo at akuy na2wa. may punto ka, at karamihan din nman ng gwapo ay bolero.yun lng, may ma comment lng.
By Paolo, at July 12, 2006 at 10:36 PM
ano ang ending? mabait nga iyong maliit na pusa?
By atticus, at July 13, 2006 at 7:30 AM
@mayang
salamat sa pagdaan.. hehe, kape ka muna..
@paolo
uy tol! un post mo nga ang inspirasyon ko para dun sa post na un! nyahahaha! "daig ng bolero ang gwapo".. simula ngayon, mag-aaral na ko mambola.. haha! :P
@atticus
wala na sya tol.. ang huli kong balita e isa na siyang siopao.. hehe, biro lang. pinamigay ng nanay ko! nacutan kasi un isa namin kapitbahay.
By pilimon, at July 13, 2006 at 9:43 AM
everyone has his/her stories. even a cat. =D
By Monica Pastoral, at July 13, 2006 at 5:52 PM
@m0nai
haha, oo nga.. kaw may pusa kaba? :p nga pala kakatuklas ko lang na may kapangalan pala si "diday"..-- ikaw! haha!
By pilimon, at July 16, 2006 at 5:43 AM
napadaan at nagkomento na rin :) ang bait naman... ganyan talaga.. kahit gano kabugnutin ang tao, meron at merong good side na lalabas basta na-stimulate. (Na-stimulate? Parang ang laswang pakinggan wakokoko)
By Sayote, at July 16, 2006 at 7:42 PM
@es::ef::ee
salamat sa pagdaan..
teka, ibig bang sabihin nun, lumalabas lang un akin kung na iistimulate? (nako, mukang naging malaswa din ang dating nun ah.. nyahahah!) :p
By Anonymous, at July 17, 2006 at 7:03 AM
Post a Comment
<< Home