Monday, July 31, 2006

pare, mukha ba talaga kong gago?



mamasa masa ang daan.. manaka-naka ang pag-ulan.. naglalakad ako sa kahabaan ng Espana ng maramdaman ko ang biglang pagka-uhaw. niyapos ko ang aking lalamunan at bagyang napalunok. nasabi ko na lang sa sarili ko na..

"gusto ko ng softdrinks.."
AYUN! sa tabi ng kalsada. may nagtitinda, muntik pa akong mapasigaw ng..---

POOOOPPPPPP!!!

pero naalala ko, nasa tapat nga pala ako ng isang premyadong unibersidad. baka ma-TO sa akin ang mga chiks.
---kelangan pa-COOL.. kelangan POGI..

kaya dahan-dahan na lang ako lumapit at tinanong ko ang tinderang mas lalaki pa ata ang porma kesa sa akin, napatingin sya sakin pero bumalik pa rin sa ginagawa nya..


ako: "tol (baka kasi sapakin ako pag tinawag kong "miss") magkanong POP?"
tindera/ro: (habang nagttxt) awozhawhuzhazhi..
ako: (ano raw? feeling ko nakausap ko si chicken little..) ahh.. magkano POP??
tindera/ro: (nagttxt pa rin)awozhawhuzhazhi..
ako: uhmm.. o sige pabili na lang ng POP.. isa.. (inisip ko na lang hindi naman siguro lalampas ng BENTE isa)
tindera/ro: PULA o LIGHTS??
ako: (nagtataka) POP??!??
tindera/ro: (pagulat) ah! pop ba?! kala ko MALBORO! sorry kala ko yosi bibilhin mo eh.. wala kaming malamig eh TROPICANA lang..
(teka.. POP.. MALBORO.. POP???...-- MALBORO??.. PAAAAPP.. MALLBOOOOHHH..--- ANLAYO AH!!!)
ako: ah, ok.. sige wag na lang..


gusto ko sana sabihin.. "hindi ako nagyoyosi.. nauuhaw lang ako.."
naisip ko tuloy..--- "mukha ba talaga kong hudlum??.." sabi ko na nga ba eh. feeling ko talaga paglapit ko pa lang sa kanya iniisip na nyang yosi bibilihin ko. siguro kung legal lang ang shabu..-- malamang ang tanong nya sa 'kin..--- "..ilang gramo??"

ilang beses na ba akong napagkakamalang GAGO, TARANTADO, at ADIK..? hindi ko na ata mabilang. teka---

-- mga alas diyes pasado na ata non. naisipan kong lumabas sa aming dating bording haus sa may sampaloc para tumawag sa pinakamalapit na pay phone. nakashort na pambasketbol, naka t-shirt na butas.. masaya ako, tatawag ako sa aking gelpren! (naks!) nang mapansin ko ang isang lalaking nauuna sa akin sa paglalakad at palinga linga sa akin, dalawa lang pala kami sa kalsada. bumibilis ang kanyang lakad. at maya maya'y lumipat sa kabilang parte ng kalsada palayo sa akin. ang tarantado! iniisip pa atang holdaper ako! kaya ang ginawa ko, pinagiisipan nya rin lang ako ng masama, pwes, pagtitripan kita! peksman, nakita ko kung pano siya manginig ng makitang binubuntutan ko siya san mang bahagi ng kalsada siya pumunta. hindi na rin siya naglalakad..-- nagjojoging na.. mejo mabilis nga lang.. kulang na lang ata sumigaw sya ng "MAGNANAKAW!!! MAGNANAKAW!!" muka na talaga kong kontra-bida sa pelikula. (gagong yun..)



~sa ibang pagkakataon naman..~


-- sem break. niyaya ako ng elementary bespren ko na itatago natin sa pangalang Julius na magswimming kasama ang barkada. masaya kaming nagkakatuwaan sa swimming pool ng biglang lumusong ang tatay ni Julius. lumapit sa akin sabay sabing..---

"..mukha kang gago.. GAGO ka ba??"

peksman.. natulala ako sa tanong na yun. patawa ko na lang na sinagot ng-- "hindi po.. mabuti po akong tao.." ewan ko ba. kilala naman ako ng tatay ni Julius. sabi nya pa nga..-- "di ba ikaw si Arfel? yun bespren ni Julius na nagpupunta sa bahay nun elementary pa kayo? haha, kala ko kasi gago ka eh.. mag-aral ka mabuti ha.. wag ka magda-drugs!" natawa ako.. natawa rin siya.. nagtawanan na kami lahat.


minsan naisip ko, magsabit kaya ko ng karatula sa leeg.. nakasulat---
"wag magpapeke sa nakikita.. mabuti ako, hindi ako masama.."

10 Comments:

  • hahaha..nabasa koh lahat! at promise di ako nagshortcut.. :p na22wa naman ako dun, baka isa ka na pala sa nakakasalubong ko sa may espana, naku pakilala ka ha.. baka 2makbo din ako.. JOOOOKKEE!! kaw pa.. hehehe.. sinong julius un? anong apelyido?

    By Anonymous Anonymous, at August 1, 2006 at 12:59 AM  

  • looks can b dcving.lolz

    pag ganyang scenario, mapapayo ko lang eh magpanggap na may kausap sa cellphone tapos mag "conio mode" ka para rich kid ang drama. "yup pare, meet me at bluewave, yah yah, u make tusok tusok d fishball muna."

    or maghiram ka ng bmw.

    pwed ring magsuot ka ng makakapal na gintong kwintas.

    alang kwenta b yung mga payo ko.lolz

    By Blogger Paolo, at August 1, 2006 at 1:23 AM  

  • @rHo

    minsan malupit lang talaga ang mundo pare. okey lang sana kung palaging kontrabida si Richard Gomez e. kaso si paquito ang laging naiiisip ko pag naririnig ko ang word na "hudlum".. hahahaha. :D

    @jeniffer

    nakakatuwa ba yun? suntukan na lang! hahah! ewan ko ba.. hindi naman ako mahilig magsuot ng leather at maong na jacket.

    julius salagan..


    @paolo

    salamat sa payong kapatid, kaso medyo mahihirapan ata ako manghiram ng BMW tol.. nyahaha! pwera na lang kung meron ka. peram naman! :p

    tol san ba yang blue waves? heheh.

    By Anonymous Anonymous, at August 1, 2006 at 9:55 AM  

  • @bittersweet

    umm, sa totoo lang nagdududa na rin ako kung mabuti nga akong tao. hahahah!

    By Anonymous Anonymous, at August 2, 2006 at 12:32 AM  

  • @rHo
    PWEEEEDDDEEEEE!!

    pero..---

    totoo nga naman na gwapong kontra-bida si ian. kaya lang maputi yun eh. eh may pagka egoi ako. tsk, di pwede..

    rho, tanggap ko na.. talagang pang richard gomez lang ako brod.. (*buntong hininga*)

    :p

    By Anonymous Anonymous, at August 2, 2006 at 10:16 AM  

  • nabubuwiset ako kse lagi ako kinakapkapan sa malls dyan sa manila. mukha daw ata ako shoplifter. lahat ng kasama ko didiretso sa loob dala mga bag nila tapos ako papatigilin tapos papaiwan yung bag ko. tae, gusto ko sabihin sa gwardya mas mahal pa yung bag ko kesa sa sapatos at damit nya, sama pa nya ang kalahating buwang sahod nya. pero syempre di ko sinabi un. ang nakakainis lang ay kung bakit nila ibabase sa hitsura ang pagkatao ng isang tao. grrrr!

    By Blogger duke, at August 2, 2006 at 9:36 PM  

  • @duke

    naku doc, badtrip nga yan. parehong pareho tayo. ewan ko ba kung bakit mainit ang ulo sa akin lagi ng mga SEKYO! pucha, 3 beses na kaya ako napagkamalan na shoplifter. at ang hindi ko makakalimutan ay un isang pakete ng index cards.

    sabi ko sa kanya bawas na un ng 3 pcs. ayaw maniwala. sabi ko bilangin nya. tapos nalaman nya na tama ako. sabi ko "kita mo na?! o ano gagawin ko ngayon sayo?"

    muntik nya ko binaril (totoo un dahil hinawakan nya un 38 nya.) syempre natakot ako, hyskul pa lang ako non. :D

    By Anonymous Anonymous, at August 3, 2006 at 7:56 AM  

  • HAHAHAHA! katuwa ka. sambahin, sambahin.

    sa mga airport, peborit akong kapkapan. kasi maitim ako. mukha akong nakanaptalina at me dalang dinamita siguro. mga hinayupaks na puti ang mga ito. sila kaya ang magpunta rito e di nangibabaw ang kaputlaan nila. nyeta.

    profiling. hay. sagwang gawain talaga.

    By Blogger atticus, at August 3, 2006 at 7:27 PM  

  • @atticus

    mukang nakanaptalina?? haha.. hindi naman siguro. pero tandaan mo, meron tayong kasabihan..

    "BLACK IS BEAUTIFUL"

    hoooo! mabuhay ako!! hehe.. ay tayo pala! mabuhay tayo!! :p

    By Anonymous Anonymous, at August 5, 2006 at 1:29 AM  

  • @* diday kampupot *

    haha, naku trinapay.. siguro mas matatawa ka kung andun ka at nakita mo un itsura ko habang tinatanto kung magkatugma ba talaga ang "malboro" at "pop"..

    hahahah.. salamat teachoy! :P

    By Blogger pilimon, at August 5, 2006 at 11:39 AM  

Post a Comment

<< Home

Thursday, July 20, 2006

the boxer..



WEIGHING... 136.5 poundssssssssss!!!!


on the pink corner...---- wearing violet basketball SHIII---YYYOOOOORRTTTTSSS!!!
(with black laban o bawi logo)
with professional record of 55 losses 45 KOs 0 wins..


introducing..--- THE NEW! THE IMPROVED! VITAMIN B1 FORTIFIED.. at umiinom ng Cheripher araw araw..!!


**(janjararaaaaannnnn!!!)




PANNY MACQUIAO!!!!!











---marunong din mangulot, manicure at pedicure..
(ako kaya, ilang commercials kaya magagawa ko??)




**batteries not included**



9 Comments:

  • hahahaha! harhar! you are one hilarious writer. teka, sino iyong model mo? may potential maging commercial model. you made my day. sana mabasa ng promoters ni pacquiao ito. :)

    By Blogger atticus, at July 20, 2006 at 7:35 PM  

  • @atticus

    nyahahaha.. salamat! pero hinding hindi ko aamining ako ang nasa piktyurs na yan.. hinding hindi!

    "HINDI AKO YAN HAH!! PROMIS!"

    salamat uli.. masaya ko at nakalikha ako ng isang munting ngiti.. :P

    By Blogger pilimon, at July 21, 2006 at 12:56 AM  

  • naku! monay! baka maniwala si atticus na ako yan!! wag naman sana.. (hahahaha~! unggoy! buking ka na nagpapalusot pa!) pambihira ka naman.. sabi ko na nga ba kelangan kita suhulan ng isang sakong kamote para kampihan mo ko.. hahaha.. :D

    yun kumuha nyan kelangan ko pa pangakuang sasamahan ko syang manood ng eat bulaga (live) para lang pumayag.. ayaw kasi nun mga kapatid ko.. muka daw ako siraulo.. (hindi naman diba?) nga pala.. hindi pa rin ako umaamin na ako yan..! we're just friends! :p

    pero kita mo sabi ni atticus pwede daw maging model! waw!! ANG GALING naman pala ng nasa pichur! :p

    By Anonymous Anonymous, at July 21, 2006 at 9:58 AM  

  • huwaaaaw!

    pwedeng pwede ka maging model. taob si brent javier sayo.lol

    ako model ako dati





    ng salompas. buwahahaha.

    By Blogger Paolo, at July 23, 2006 at 4:58 AM  

  • hahahah.. langya pre, kaw pala un taong nakatalikod don sa box ng salonpas?! hehe..


    pag nauubusan akong cologne, gingamit ko yang pabango. ididikit mo lang, hahalimuyak ka na! amoy bagong hilot! hahaha!

    By Blogger pilimon, at July 23, 2006 at 11:50 AM  

  • BBBBIIIIIDDDAAAA! Huwaw! Model ka na pala ngayon ah :) Kakatawa tong entry na to :) APIR TAYO :) Dapat naghawak ka na rin ng mic para ipromote mo ung magic sing wakokoko :) ingatz BIDA :)

    By Blogger Sayote, at July 23, 2006 at 4:46 PM  

  • ok. hindi ako naniniwalang ikaw iyon. pramis. hindi nga ikaw. :)

    By Blogger atticus, at July 24, 2006 at 7:00 AM  

  • @she (SQ) APIIIIRRRR!! (*plak!*)

    kakabasa ko lang ng seksi blog mo.. sa tingin mo.. pwede na bang seksi ang katawan ko?? hehe.. :p

    @bittersweet (tina)

    ay, salamat ng madami ga.. nice pics din ga! kaganda mo ron ai! :D

    @atticus
    hai! salamat naman at hindi ka naniwala na ako yan.. (*whew!*) mas gwapo kasi yan sa kin ng bagya! :D

    @justine

    oi! di naman.. tinatamad pa nga ko nyan.. gutom.. at di pa naliligo! :D

    @rho-anne

    hahaha.. salamat! pero nakakahiya ka.. talo ka ng lalaki sa JACKSTONE?! yakkkkk!!! :p

    teka.. hindi mo ba napansin na flawless ang leki-leki ko? hindi ko inaahit yan ha! :p

    By Blogger pilimon, at July 25, 2006 at 12:29 PM  

  • @ rho-anne

    hindi ka na naawa.. muka na ngang "tres" tong ilong ko kukulutin mo pa!

    ayoko lumaban sayo.. baka mas malakas ka pa kay pacman! hehe.. :D

    By Anonymous Anonymous, at July 25, 2006 at 2:12 PM  

Post a Comment

<< Home

Saturday, July 15, 2006

maganda.. maganda.. masaya.. maligaya-- malungkot.. paumanhin..






sinong maaaring magkaila ng tapang ng isang bata.
paslit ng pangako sa munting ngiti nyang kukurot sa yong puso.
di ba't kay sarap tingnan.. pagmasdan.. ng kanyang matang kay lamlam??
munting anghel ng lupa, pano kung may sinasagupa??
di ba't parang siling susunog sa yong dila?
kalabang nais mong patulan, tulungan ang kawal sa kanyanang munting laban..
pero pano kung ang yong lakas ay walang kayang magpamalas?
na para bang gusto mo siyang iaangat.. buhatin sa iyong palad..
ilapit sa iyong dibdib.. akapin ng mahigpit/..
ilayo sa ugat ng kanyang paghihirap..

hikbi niyang paunti-unti..
parang kandilang sa pagkasindi'y natutunaw sa bawat sandali
nakikita mo silang matatapang.. matatapang kunwari..
pero ang batang munti, hindi bibigay.. siya'y lumalaban..
bukas kamay na kumakaway sa kirot na iniinda'y tila ikaw pa ang unang bibigay..
unang yuyuko.. unang magugupo..
sa bawat nyang hiyaw, iyak at luhang tila ginto..
sa unan ng yong kandungan, kay gaan ngunit tila di mo siya makayanan..

sinlamig ng bakal na pako, sinsakit habang unti-unting bumabaon sa yong puso.
tila gusto mong humiyaw.. "tama na! ako naman!!"
pero kaya mo ba talaga? gayong sa kaunting problema matanda'y dagling tatakbo na.


ramdam mong nais nyang pumalahaw ng malakas
upang ipahiwatig ang sakit na nadarama..

pero tila di niya kaya.. sadyang di niya kaya..
hanggang sa sakit ay makapagpahinga.
dahan-dahan napapikit ang mga mata.
tila namamaalam sa gabing nais na nyang kalimutan.
tama na muna ang sakit.. tama na muna ang iyak..
Panginoon pwede po ba, munti mong anghel bigyan pa ng pag-asa,
pag-asa sa marami pang umaga.
nang sa bawat pagtakbong may sigla, sa bawat takbong may sigla..
marinig kanyang tawang pinakamagandang musika.

bulaklak na namumukadkad sa araw na sumisikat.
unang dinilig ng malamig na hamog na galing sa Iyong palad.
Panginoon pwede ba?
munting anghel bawasan ang sakit na nadarama.
nang bukas pagmulat ng kanyang mata.
kami ay makakita ng ngiting mas maganda pa sa umaga.








..sana nga, ang buhay'y isang mumunting paraiso na lamang---





6 Comments:

  • masarap magdrama paminsan minsan.. pero ngaun, since nalaman kong astig mo ang pne, makinig ka nlang ng ordertaker at makisabay sa kanta. masaya un! hehehe..

    By Blogger Monica Pastoral, at July 15, 2006 at 6:52 AM  

  • ang lungkot naman.

    By Blogger atticus, at July 15, 2006 at 9:43 AM  

  • @monai, haha.. nakikinig ako ngayon ng "MULI".. uy! tapos na pala!! (**"para sa'yo" now playing...)

    @atticus
    salamat sa pagdaan, dapat nung isang isang araw ko pa yan post, natagalan nga e.. :)

    By Anonymous Anonymous, at July 15, 2006 at 11:39 AM  

  • bagay ba?? haha.. panggap lang yan.. :P buti nga nakayanan ko.. daig ko pa ang naconstipate! :D

    salamat.. hehe, astig un nakuha mong tula ah.. gusto ko rin un e.. :)

    By Anonymous Anonymous, at July 16, 2006 at 4:09 AM  

  • BAW!.. orihinal na komposisyon b yan?

    Nakakamiss maging bata at hindi isip bata. sana ay totoong may neverland pra di na tau tumanda at habambuhay na bata na lamang.

    baw.

    wala lang, may ma commentt lang. wooot

    By Blogger Paolo, at July 16, 2006 at 11:46 AM  

  • @paolo
    tol, bumaha ng luha dito sa bahay habang nililikha ko yan.. woooot! (pambihira, nahawa na ko ah..)

    mas masarap nga maging bata tol. pero ngayon ang tanging magagawa na lang natin ay ang mag-isip bata at manyota ng bata.. wooot!

    nakakamiss nga nuon. tandang tanda ko pa, kala ko ako talaga si astroboy! hayyy!

    wooot!

    By Anonymous Anonymous, at July 16, 2006 at 2:27 PM  

Post a Comment

<< Home