pare, mukha ba talaga kong gago?
mamasa masa ang daan.. manaka-naka ang pag-ulan.. naglalakad ako sa kahabaan ng Espana ng maramdaman ko ang biglang pagka-uhaw. niyapos ko ang aking lalamunan at bagyang napalunok. nasabi ko na lang sa sarili ko na..
"gusto ko ng softdrinks.."
AYUN! sa tabi ng kalsada. may nagtitinda, muntik pa akong mapasigaw ng..---
AYUN! sa tabi ng kalsada. may nagtitinda, muntik pa akong mapasigaw ng..---
POOOOPPPPPP!!!
pero naalala ko, nasa tapat nga pala ako ng isang premyadong unibersidad. baka ma-TO sa akin ang mga chiks.
---kelangan pa-COOL.. kelangan POGI..
kaya dahan-dahan na lang ako lumapit at tinanong ko ang tinderang mas lalaki pa ata ang porma kesa sa akin, napatingin sya sakin pero bumalik pa rin sa ginagawa nya..
ako: "tol (baka kasi sapakin ako pag tinawag kong "miss") magkanong POP?"
tindera/ro: (habang nagttxt) awozhawhuzhazhi..
ako: (ano raw? feeling ko nakausap ko si chicken little..) ahh.. magkano POP??
tindera/ro: (nagttxt pa rin)awozhawhuzhazhi..
ako: uhmm.. o sige pabili na lang ng POP.. isa.. (inisip ko na lang hindi naman siguro lalampas ng BENTE isa)
tindera/ro: PULA o LIGHTS??
ako: (nagtataka) POP??!??
tindera/ro: (pagulat) ah! pop ba?! kala ko MALBORO! sorry kala ko yosi bibilhin mo eh.. wala kaming malamig eh TROPICANA lang..
(teka.. POP.. MALBORO.. POP???...-- MALBORO??.. PAAAAPP.. MALLBOOOOHHH..--- ANLAYO AH!!!)
ako: ah, ok.. sige wag na lang..
gusto ko sana sabihin.. "hindi ako nagyoyosi.. nauuhaw lang ako.."
naisip ko tuloy..--- "mukha ba talaga kong hudlum??.." sabi ko na nga ba eh. feeling ko talaga paglapit ko pa lang sa kanya iniisip na nyang yosi bibilihin ko. siguro kung legal lang ang shabu..-- malamang ang tanong nya sa 'kin..--- "..ilang gramo??"
ilang beses na ba akong napagkakamalang GAGO, TARANTADO, at ADIK..? hindi ko na ata mabilang. teka---
-- mga alas diyes pasado na ata non. naisipan kong lumabas sa aming dating bording haus sa may sampaloc para tumawag sa pinakamalapit na pay phone. nakashort na pambasketbol, naka t-shirt na butas.. masaya ako, tatawag ako sa aking gelpren! (naks!) nang mapansin ko ang isang lalaking nauuna sa akin sa paglalakad at palinga linga sa akin, dalawa lang pala kami sa kalsada. bumibilis ang kanyang lakad. at maya maya'y lumipat sa kabilang parte ng kalsada palayo sa akin. ang tarantado! iniisip pa atang holdaper ako! kaya ang ginawa ko, pinagiisipan nya rin lang ako ng masama, pwes, pagtitripan kita! peksman, nakita ko kung pano siya manginig ng makitang binubuntutan ko siya san mang bahagi ng kalsada siya pumunta. hindi na rin siya naglalakad..-- nagjojoging na.. mejo mabilis nga lang.. kulang na lang ata sumigaw sya ng "MAGNANAKAW!!! MAGNANAKAW!!" muka na talaga kong kontra-bida sa pelikula. (gagong yun..)
~sa ibang pagkakataon naman..~
-- sem break. niyaya ako ng elementary bespren ko na itatago natin sa pangalang Julius na magswimming kasama ang barkada. masaya kaming nagkakatuwaan sa swimming pool ng biglang lumusong ang tatay ni Julius. lumapit sa akin sabay sabing..---
"..mukha kang gago.. GAGO ka ba??"
peksman.. natulala ako sa tanong na yun. patawa ko na lang na sinagot ng-- "hindi po.. mabuti po akong tao.." ewan ko ba. kilala naman ako ng tatay ni Julius. sabi nya pa nga..-- "di ba ikaw si Arfel? yun bespren ni Julius na nagpupunta sa bahay nun elementary pa kayo? haha, kala ko kasi gago ka eh.. mag-aral ka mabuti ha.. wag ka magda-drugs!" natawa ako.. natawa rin siya.. nagtawanan na kami lahat.
minsan naisip ko, magsabit kaya ko ng karatula sa leeg.. nakasulat---
"wag magpapeke sa nakikita.. mabuti ako, hindi ako masama.."

10 Comments:
hahaha..nabasa koh lahat! at promise di ako nagshortcut.. :p na22wa naman ako dun, baka isa ka na pala sa nakakasalubong ko sa may espana, naku pakilala ka ha.. baka 2makbo din ako.. JOOOOKKEE!! kaw pa.. hehehe.. sinong julius un? anong apelyido?
By Anonymous, at August 1, 2006 at 12:59 AM
looks can b dcving.lolz
pag ganyang scenario, mapapayo ko lang eh magpanggap na may kausap sa cellphone tapos mag "conio mode" ka para rich kid ang drama. "yup pare, meet me at bluewave, yah yah, u make tusok tusok d fishball muna."
or maghiram ka ng bmw.
pwed ring magsuot ka ng makakapal na gintong kwintas.
alang kwenta b yung mga payo ko.lolz
By Paolo, at August 1, 2006 at 1:23 AM
@rHo
minsan malupit lang talaga ang mundo pare. okey lang sana kung palaging kontrabida si Richard Gomez e. kaso si paquito ang laging naiiisip ko pag naririnig ko ang word na "hudlum".. hahahaha. :D
@jeniffer
nakakatuwa ba yun? suntukan na lang! hahah! ewan ko ba.. hindi naman ako mahilig magsuot ng leather at maong na jacket.
julius salagan..
@paolo
salamat sa payong kapatid, kaso medyo mahihirapan ata ako manghiram ng BMW tol.. nyahaha! pwera na lang kung meron ka. peram naman! :p
tol san ba yang blue waves? heheh.
By Anonymous, at August 1, 2006 at 9:55 AM
@bittersweet
umm, sa totoo lang nagdududa na rin ako kung mabuti nga akong tao. hahahah!
By Anonymous, at August 2, 2006 at 12:32 AM
@rHo
PWEEEEDDDEEEEE!!
pero..---
totoo nga naman na gwapong kontra-bida si ian. kaya lang maputi yun eh. eh may pagka egoi ako. tsk, di pwede..
rho, tanggap ko na.. talagang pang richard gomez lang ako brod.. (*buntong hininga*)
:p
By Anonymous, at August 2, 2006 at 10:16 AM
nabubuwiset ako kse lagi ako kinakapkapan sa malls dyan sa manila. mukha daw ata ako shoplifter. lahat ng kasama ko didiretso sa loob dala mga bag nila tapos ako papatigilin tapos papaiwan yung bag ko. tae, gusto ko sabihin sa gwardya mas mahal pa yung bag ko kesa sa sapatos at damit nya, sama pa nya ang kalahating buwang sahod nya. pero syempre di ko sinabi un. ang nakakainis lang ay kung bakit nila ibabase sa hitsura ang pagkatao ng isang tao. grrrr!
By duke, at August 2, 2006 at 9:36 PM
@duke
naku doc, badtrip nga yan. parehong pareho tayo. ewan ko ba kung bakit mainit ang ulo sa akin lagi ng mga SEKYO! pucha, 3 beses na kaya ako napagkamalan na shoplifter. at ang hindi ko makakalimutan ay un isang pakete ng index cards.
sabi ko sa kanya bawas na un ng 3 pcs. ayaw maniwala. sabi ko bilangin nya. tapos nalaman nya na tama ako. sabi ko "kita mo na?! o ano gagawin ko ngayon sayo?"
muntik nya ko binaril (totoo un dahil hinawakan nya un 38 nya.) syempre natakot ako, hyskul pa lang ako non. :D
By Anonymous, at August 3, 2006 at 7:56 AM
HAHAHAHA! katuwa ka. sambahin, sambahin.
sa mga airport, peborit akong kapkapan. kasi maitim ako. mukha akong nakanaptalina at me dalang dinamita siguro. mga hinayupaks na puti ang mga ito. sila kaya ang magpunta rito e di nangibabaw ang kaputlaan nila. nyeta.
profiling. hay. sagwang gawain talaga.
By atticus, at August 3, 2006 at 7:27 PM
@atticus
mukang nakanaptalina?? haha.. hindi naman siguro. pero tandaan mo, meron tayong kasabihan..
"BLACK IS BEAUTIFUL"
hoooo! mabuhay ako!! hehe.. ay tayo pala! mabuhay tayo!! :p
By Anonymous, at August 5, 2006 at 1:29 AM
@* diday kampupot *
haha, naku trinapay.. siguro mas matatawa ka kung andun ka at nakita mo un itsura ko habang tinatanto kung magkatugma ba talaga ang "malboro" at "pop"..
hahahah.. salamat teachoy! :P
By pilimon, at August 5, 2006 at 11:39 AM
Post a Comment
<< Home