maganda.. maganda.. masaya.. maligaya-- malungkot.. paumanhin..
sinong maaaring magkaila ng tapang ng isang bata.
paslit ng pangako sa munting ngiti nyang kukurot sa yong puso.
di ba't kay sarap tingnan.. pagmasdan.. ng kanyang matang kay lamlam??
munting anghel ng lupa, pano kung may sinasagupa??
di ba't parang siling susunog sa yong dila?
kalabang nais mong patulan, tulungan ang kawal sa kanyanang munting laban..
pero pano kung ang yong lakas ay walang kayang magpamalas?
na para bang gusto mo siyang iaangat.. buhatin sa iyong palad..
ilapit sa iyong dibdib.. akapin ng mahigpit/..
ilayo sa ugat ng kanyang paghihirap..
hikbi niyang paunti-unti..
parang kandilang sa pagkasindi'y natutunaw sa bawat sandali
nakikita mo silang matatapang.. matatapang kunwari..
pero ang batang munti, hindi bibigay.. siya'y lumalaban..
bukas kamay na kumakaway sa kirot na iniinda'y tila ikaw pa ang unang bibigay..
unang yuyuko.. unang magugupo..
sa bawat nyang hiyaw, iyak at luhang tila ginto..
sa unan ng yong kandungan, kay gaan ngunit tila di mo siya makayanan..
sinlamig ng bakal na pako, sinsakit habang unti-unting bumabaon sa yong puso.
tila gusto mong humiyaw.. "tama na! ako naman!!"
pero kaya mo ba talaga? gayong sa kaunting problema matanda'y dagling tatakbo na.
ramdam mong nais nyang pumalahaw ng malakas
upang ipahiwatig ang sakit na nadarama..
pero tila di niya kaya.. sadyang di niya kaya..
hanggang sa sakit ay makapagpahinga.
dahan-dahan napapikit ang mga mata.
tila namamaalam sa gabing nais na nyang kalimutan.
tama na muna ang sakit.. tama na muna ang iyak..
Panginoon pwede po ba, munti mong anghel bigyan pa ng pag-asa,
pag-asa sa marami pang umaga.
nang sa bawat pagtakbong may sigla, sa bawat takbong may sigla..
marinig kanyang tawang pinakamagandang musika.
bulaklak na namumukadkad sa araw na sumisikat.
unang dinilig ng malamig na hamog na galing sa Iyong palad.
Panginoon pwede ba?
munting anghel bawasan ang sakit na nadarama.
nang bukas pagmulat ng kanyang mata.
kami ay makakita ng ngiting mas maganda pa sa umaga.
6 Comments:
masarap magdrama paminsan minsan.. pero ngaun, since nalaman kong astig mo ang pne, makinig ka nlang ng ordertaker at makisabay sa kanta. masaya un! hehehe..
By Monica Pastoral, at July 15, 2006 at 6:52 AM
ang lungkot naman.
By atticus, at July 15, 2006 at 9:43 AM
@monai, haha.. nakikinig ako ngayon ng "MULI".. uy! tapos na pala!! (**"para sa'yo" now playing...)
@atticus
salamat sa pagdaan, dapat nung isang isang araw ko pa yan post, natagalan nga e.. :)
By Anonymous, at July 15, 2006 at 11:39 AM
bagay ba?? haha.. panggap lang yan.. :P buti nga nakayanan ko.. daig ko pa ang naconstipate! :D
salamat.. hehe, astig un nakuha mong tula ah.. gusto ko rin un e.. :)
By Anonymous, at July 16, 2006 at 4:09 AM
BAW!.. orihinal na komposisyon b yan?
Nakakamiss maging bata at hindi isip bata. sana ay totoong may neverland pra di na tau tumanda at habambuhay na bata na lamang.
baw.
wala lang, may ma commentt lang. wooot
By Paolo, at July 16, 2006 at 11:46 AM
@paolo
tol, bumaha ng luha dito sa bahay habang nililikha ko yan.. woooot! (pambihira, nahawa na ko ah..)
mas masarap nga maging bata tol. pero ngayon ang tanging magagawa na lang natin ay ang mag-isip bata at manyota ng bata.. wooot!
nakakamiss nga nuon. tandang tanda ko pa, kala ko ako talaga si astroboy! hayyy!
wooot!
By Anonymous, at July 16, 2006 at 2:27 PM
Post a Comment
<< Home